Marami ang nabigla sa breakup nina Andrea Torres at Derek Ramsay noong Nobyembre 2020. Ano nga ba ang biggest lesson ng aktres pagdating sa pag-ibig?

Sa programang "Mars Pa More," pinapili si Andrea kung ano ang biggest lesson niya sa pag-ibig: Mahalin ang sarili bago ang iba o magmahal nang walang pagsisi?

Pinili ng isa sa leading ladies ng "Legal Wives" ang mahalin ang sarili bago ang iba.

Paliwanag ni Andrea, "Yun naman dapat di ba? Feeling ko yung naman usually ang pagkakamali nating girls kasi all out tayo [magmahal]."

Dagdag pa ng aktres, "Dapat mayroon ka talaga itira for yourself."

Sa nakaraang panayam, inihayag ni Andrea na nagsimula na uli siyang makipag-date muli pero natigil ito dahil nang dumami muli ang mga kaso ng COVID-19.

Samantala, nakatakda namang ikasal si Derek sa fiance nito na si Ellen Adarna. --FRJ, GMA News