Punong-puno ng pagmamahal ang mensahe ni Barbie Forteza para sa nobyong si Jak Roberto na nagdiwang ng ika-28 taong kaarawan.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Barbie ng larawan ng nobyo.

"Happy birthday, Mahal!," saad ng aktres sa caption. "Stay driven and grounded."

Inihayag din ni Barbie ang tiwala sa nobyo na makakamit nito ang mga hinahangad sa buhay.

"Alam kong makukuha mo lahat ng goals mo kase masipag ka, mahal mo yung trabaho mo at higit sa lahat, mabuti kang tao," ani Barbie.

"Tuloy mo lang yan, mahal. Proud na proud ako sa'yo," sabi pa ng aktres.

Sa pagtatapos ng kaniyang mensahe, ipinahayag ni Barbie ang pagmamahal kay Jak.

"I love you so much," sabi ng aktres.

 

 

Nitong nakaraang linggo, nauna nang ipinagdiwang ng dalawa ang kaarawan ni Jak dahil hindi sila magkakama sa mismong araw ng birthday ng aktor dahil may trabaho si Barbie.

"Sayang di kita makakasama sa mismong birthday mo dahil nasa work ako pero babawi ako sayo! I love you!," sabi ng aktres sa hiwalay na post.

--FRJ, GMA News