Ang korte na ang nagpasok ng 'not guilty plea' sa kasong rape para kay Vhong Navarro, matapos na hindi maghain ng 'plea' ang TV host-actor.

Sa ulat sa “24 Oras” nitong Martes, sinabing hindi paghain ng plea si Vhong sa ginanap na arraignment sa kaniyang kaso kaninang umaga sa Branch 69 ng Taguig Regional Trial Court.

Virtual na dumalo si Vhong na kasalukuyang nakadetine sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility. Habang ang mga kamag-anak naman ni Deniece Cornejo ang kumatawan sa modelong nag-aakusa sa aktor.

Sa Huwebes, magsisimula ang pagdinig sa petisyon ni Vhong na payagan siyang makapagpiyansa sa kasong rape.

Hindi rin kailangan na pisikal na dumalo ang aktor sa mga paglilitis, ayon sa korte.

Sa ngayon, wala pa ring commitment order mula sa korte kung saan dapat manatili si Navarro.

Nauna nang hiniling ng kampo ni Deniece na dapat ikulong ang aktor sa Taguig City Jail.--Mel Matthew Doctor/FRJ, GMA News