Inihayag nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales na masaya sila na ipagdiwang nila ang kanilang monthsary sa simpleng paraan kaysa gumastos nang mahal sa mga pagkain.

“Nakakatuwa kasi totoo ‘yon na ‘yun talaga ang happiness namin. Ayaw namin nang masyadong mahal na mga pagkain,” sabi ni Jeric sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa Balitanghali nitong Miyerkoles.

“Kami talaga ni Jeric we’re very simple individuals talaga. Most of the time ‘pag galing ako kunwari I did a stint sa Chika Minute, sa 24 Oras, doon kami nagdi-dinner, didiretso kami sa España, o-order ng lugaw, pares,” ayon naman kay Rabiya.

Matatandaang nag-viral ang monthsary celebration nina Jeric at Rabiya, na ginawa nila sa isang karinderya sa España, Maynila.

READ: Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, sa karinderya nag-monthsary; wala pang P200 ang gastos sa kinain

Sa TikTok video, sinabi ni Rabiya na sa karinderya ni "Aling Tenyang" sa lugar. Wala pa sa P200 ang gastos nila sa pagkain.

Ayon sa Miss Universe Philippines queen at “TicktoClock” host, halos “every month” umano silang nagpupunta ni Jeric sa nasabing kainan. --Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News