Isang dragon boat team sa Hong Kong ang nakakakuha ngayon ng atensyon sa naturang uri ng palakasan. Ang mga miyembro kasi nito, mga kasambahay na Filipina.

Sa ulat ng Reuters, sinabing malaking pagsubok ang kinakaharap ng Filipino Dynamos team dahil isang araw lang sila sa loob ng isang linggo kung makapagsanay at makasabak sa kompetisyon-- ang Linggo kung saan day off nila sa trabaho bilang mga kasambahay.

Ayon kay Liza Avelino, bumuo ng grupo noong nakaraang taon, nais niyang maging bahagi ng komunidad ang mga kasambahay sa Hong Kong.

"I want to integrate the Filipino helper community and represent the domestic helper as part of Hong Kong, part of the community, and we don't want to feel excluded," sabi ni Avelino.

 

 


"When we're racing, there's no employer, there's no helper. Everyone is equal," dagdag niya.

Ayon sa ulat, mahigit 300,000 umano ang domestic workers sa Hong Kong na karamihan ay galing sa Pilipinas at Indonesia, na ang layunin ay masuportahan ang kani-kanilang pamilya.

Sinabi ni Geraldine Inabiohan, miyembro ng team, nais nilang hikayatin ang kapwa nila kababaihan na magpursige sa kanilang hangarin.

"The objective of our team is to empower women. We want to push women like us, helpers, that we do something more," saad niya. "I think, as the season goes, we see ourselves as champions."

Nagpapasalamat si Inabiohan sa kaniyang amo sa paghikayat sa kaniya subukan ang iba't ibang uri ng palakasan.

"We are proud and happy that we're representing the whole Philippines as we're here in Hong Kong," ayon kay Inabiohan. "We're still giving back and proud of our country."

Sa tulong ng dalawang sponsor, nadadagdagan na umano ang kompetisyon na sinasalihan ng Dynamos. — Reuters/FRJ, GMA News