Isang sunog na bangkay ang natagpuan sa California sa Amerika na pinaniniwalaang ang nawawalang Filipino-American na bumbero, ayon sa ulat sa Balitanghali nitong Biyernes.

Ayon sa mga pulis, posibleng si John Ryan Mananghaya Aguila ang natagpuang bangkay bagama't sumasailalim pa ito sa DNA test para makumpirma.

Naulat na nawawala si Aguila noong August 22. Kinabukasan ay natagpuan ang isang sunog na bangkay sa San Antonio Heights.

May lumutang ding kuha ng CCTV kung saan makikita ang pag-abandona ng dalawang suspek sa kotse ng biktima.

Natagpuan sa sasakyan ang ilang duguang gloves at damit.

Naaresto na ang dalawang suspek. —KBK, GMA News