Ang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ang nagtulak kay Christopher na magtungo sa Saudi Arabia upang magtrabaho. Pero nagbago ang lahat nang maaksidente ang bus na kaniyang sinasakyan.

Sumailalim si Christopher sa maraming operasyon upang maisalba ang kaniyang buhay. At nang makalabas ng ospital, kinailangan niyang alagaan ang sarili na mag-isa sa isang maliit na kuwarto kahit halos hindi siya makalakad.

Tunghayan sa video na ito ng "FrontRow" ang patuloy na pagiging matatag ni Christopher para sa kaniyang pamilya sa harap ng matinding pagsubok na kaniyang kinakaharap.

Wala na rin siyang ibang hiling ngayon kung hindi ang matulungan sana siyang makauwi na ng Pilipinas at muling makita ang kaniyang pamilya. Panoorin.



--FRJ, GMA News