Nagprotesta sa harapan ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ilang overseas Filipino workers na humihiling na alisin na ang deployment ban sa pagpapadala ng mga manggagawa sa Saudi Arabia.

Sa isinagawang protesta noong Huwebes, nanawagan ang mga OFW kay Labor Secretary Silvestre Bello III, na payagan na muling makaalis ang mga nais na magtrabaho sa KSA.

Anila, dapat na respetuhin ni Bello ang pasya ng bagong kalihim ng bagong tatag na Department of Migrant Workers na pumapayag na makapgtrabaho na muli sa KSA ang mga OFW.

Matatandaan na ipinatupad ni Bello ang deployment ban sa KSA noong nakaraang Nobyembre dahil sa usapin ng mga hindi binayarang sahod at end of service benefits ng mga Pinoy na nagtrabaho doon. --FRJ, GMA News