Patay ang dalawang pulis na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos maka-engkwentro ang mga awtoridad sa Zamboanga City nitong Sabado ng hapon.
Sa ulat ni Mark Makalalad sa Super Radyo dzBB, nakilala ang mga nasawi bilang sina Police Officer 3 Olaso at si Police Officer 2 Bernardo.
FLASH: Dalawang pulis na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, patay matapos maka-engkuwentro ang mga awtoridad sa Zamboanga City. | via @MMakalalad pic.twitter.com/4qyPTpZU4J
— DZBB Super Radyo (@dzbb) August 18, 2018
Batay sa inisyal na impormasyon mula kay Zamboanga provincial director Senior Superintendent Alan Nazaro, nangyari ang raid sa Barangay Ayala dakong 2:25 ng hapon. —Margaret Claire Layug/LBG, GMA News