Basketball with a twist. Ito ang pakulo ng mga barako sa isang barangay sa bayan ng South Upi sa Maguindanao upang, kahit papano, mapawi ang init ng panahon.

Ayon sa ulat ng Unang Balita, pagkagat ng dilim may kakaiba na nangyayari sa barangay na iyon. Ang mga basketball player ay naglalaro na diaper lang ang suot.

Nagda-diaper ang mga barakong manlalaro upang presko ang feeling kahit pinagpapawisan.

Dahil pare-parehong naka-diaper, nakakalituhan kung sino ang kalaban at sino ang kakampi.

Wagi naman ang mga taga-barangay dahil sa kasiyahan sa "basketball with a twist." —LBG, GMA News