Isang ama ang nasawi matapos niyang iligtas ang kaniyang anak na unang pinuntirya ng isang malaking buwaya sa Rizal, Palawan.

Kuwento ng anak, naliligo sila sa ilog nang mapansin niya ang biglang pagsulpot ng buwaya sa kaniyang likuran pero mabilis itong sinunggaban ng kaniyang ama.

Pero ang kaniyang ama ang kinagat ng buwaya at dinala sa malalim na bahagi ng ilog hanggang sa tuluyang nawala. Panoorin ang buong kuwento sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News