Dalawang mangingisda ang tinamaan ng kidlat habang nasa laot sa Negros Oriental. Ang isa sa kanila, binawian ng buhay.

Ayon sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Martes, nanghuhuli ng isda sa bayan ng Sta. Catalina ang mga biktimang si Jaime Flores at Julieto Tumabid nang mangyari ang insidente.

Sa lakas raw ng kidlat, tumilapon mula sa kani-kanilang mga bangka ang dalawang biktima.

Namatay si Flores at kritikal naman ang kalagayan ni Tumabid sa ospital dahil sa mga natamong paso sa iba't ibang bahagi ng katawan. —Dona Magsino/NB, GMA News