Nahuli-cam suntukan ng dalawang tricycle driver na naganap sa harap mismo ng City Hall ng Batac, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Martes, makikita sa video na halos hindi na nakaporma ang isang tricycle driver nang pagsusuntukin siya ng kapwa driver at inuntog pa sa sidecar ng tricycle.

Nag-ugat daw ang gulo dahil sa pag-aagawan umano nila sa pasahero.

Natigil naman ang gulo nang umawat na ang ilang tao sa lugar. --FRJ, GMA News