Arestado ang isang lalaki sa Cebu City na inireklamo ng sextortion ng kaniyang kinakasama, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Ayon sa biktima, nagbanta ang suspek na ipapakalat ang maseselan nilang video kung hindi siya makikipagtalik.

Aminado ang suspek sa krimen pero aniya, banta lang ito at hindi niya tototohanin.

Nagselos lang daw siya nang matuklasang may ibang karelasyon ang kinakasama niya.

Inihahanda na ang mga isasampang reklamo sa suspek. —KBK, GMA News