Nahuli-cam ang suntukan sa kalsada ng dalawang driver sa General Santos City na nag-ugat umano sa sagian.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, makikita ang driver ng tricycle at driver ng kotse, na nagpapalitan ng suntok.

Isang lalaki rin ang nakitang tila nakisali sa panununtok.

Nag-ugat daw ang pagtatalo nang masagi ng kotse ang tuhod ng tricycle driver na humantong sa sagutan hanggang sa mauwi sa suntukan.

Inireport naman daw sa barangay ang mga nag-away na driver. --FRJ, GMA News