Patay ang isang magsasaka matapos suwagin ng kalabaw sa Enrile, Cagayan, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Biyernes.

Iaahon sana ni Rosendo Calayan ang alagang kalabaw mula sa sapa nang bigla itong suwagin.

Wakwak ang katawan ni Calayaan na kaagad niyang ikinamatay. —KBK, GMA News