Patay habang inaaresto ang suspek sa likod ng pagpatay sa estudyanteng isinako  sa South Cotabato, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Akma umanong magpapasabog ng granada ang suspek na si Richard Gumilid kaya pinagbabaril ng mga pulis.

Base sa imbestigasyon, huling nakita ang biktima kasama si Gumilid sa loob ng kotse ng nanay ng biktima.

May relasyon daw ang suspek at ang nanay ng dalagita.

Nagsasagawa pa rin ng autopsy sa bangkay ng 16-taong gulang na  biktima kung ano ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay. —KBK, GMA News