Pinagsasaksak ng screwdriver ang isang ginang sa Odiongan, Romblon, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Lunes.

Suspek ang lalaking kinakasama ng anak ng biktima.

Madaling araw nang pasukin ng nakainom na si Carl Fabiculana ang bahay ng biktimang si Lucy Maga-ngo.

Ilang beses na sinaksak si Maga-ngo na nagpapagaling na ngayon sa ospital.

Naaresto naman si Fabiculana na wala pang pahayag.

Nahaharap siya sa reklamong frustrated murder. —KBK, GMA News