Patay ang anim na tao sa karambola ng sasakyan sa Tacorong City sa lalawigan ng Sultan Kudarat nitong  Biyernes ang umaga.

Iniulat ng Unang Balita dead on the spot ang anim na biktima sa insidenteng nangyari dakong alas-kwatro ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa national highway at kinabibilangan ng dalawang tricycles, isang motorsiklo, isang SUV at isang pickup truck.

Pahayag ng isang nakasaksi sa insidente, parang nagkakarera umano ang SUV at ang pickup truck nang mahagip nila ang ilang mga sasakyan.

Karamihan sa mga namatay sa insidente ay mga bata.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.  —LBG, GMA News