Isinauli ng isang tricycle driver sa Benguet ang napulot niyang pitaka na naglalaman ng P23,000 sa may-ari nito.

Kinilala ang honest driver ng mga pulis sa bayan ng Mankayan na si Richard Domilos.

Paghayag ni Domilos, napulot niya ang pitaka sa Cevantes Road sa Barangay Poblacion. At kahit umano'y may mahigpit siyang pangangailangang pinansyal, hindi siya nagdalawang-isip na hanapin ang may ari ng pitaka.

 

Photos coourtesy of Mankayan MPS
Photos coourtesy of Mankayan MPS

Kaya, agad umano niyang dinala wallet sa Mankayan Municipal Police Station.

Mabilis naman na nahanap ng mga pulis ang may-ari ng pera, na labis-labis ang pasasalamat kay Mang Richard.

Ayon sa Mankayan pulis, kinikilala raw nila ang kabutihan ni Mang Richard. Sana raw ay maging ehemplo ito ng lahat. —LBG, GMA News