Nasabugan ng dinamita ang limang mangingisda sa Masbate at tatlo sa kanila ang namatay habang dalawa naman ang sugatan, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Base sa imbestigasyon, sumisid para manghuli ng isda ang mga biktima nang masabugan.

Inaalam pa kung sino ang naghagis ng dinamita at kung sinadya ito.

Ayon naman sa isa sa mga biktima, imposibleng hindi sila nakita dahil malapit lang sila sa dalampasigan. —KBK, GMA News