Isang pulis na nagpositibo sa droga at tinanggal sa kaniyang puwesto ang pinagbabaril ng dalawang salaring sakay ng motorsiklo sa Lucena, Quezon.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Martes, sinabing kritikal ang lagay ng biktimang si Police Master Sergeant Louie Vargas dahil sa tinamong tama ng bala sa mukha at katawan.

Ayon sa pulisya, galing si Vargas sa Quezon Provincial Police Office, kung saan siya pansamantalang nakatalaga matapos alisin sa kaniyang puwesto Real, Quezon nang nagpositibo sa drug test.

Iniimbestigahan na ngayon kung may kinalaman sa droga ang krimen at inaalaman na ang pagkakakilanlan ng nakatakas na mga salarin. --FRJ, GMA News