Dalawang aso ang walang-awang pinagtataga sa Pinamalayan, Oriental Mindoro, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Bagama't malalalim na sugat ang tinamo, nabuhay naman ang dalawang aso.

Ayon sa may-ari ng isang aso, nasa tabing-kalsada lang ang aso nang biglang pagtatagain ng suspek.

Aminado ang suspek sa ginawa pero depensa niya, nagbubungkal ang dalawang aso sa kanilang kusina na mariin namang itinanggi ng may-ari.

Sinampahan na ng reklamo ang suspek. —KBK, GMA News