Dahil umano sa alitan kaugnay sa resulta ng nakaraang eleksyon, napatay ng isang lalaki ang dalawa niyang kamag-anak sa Davao City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules.

Batay sa imbestigasyon, umaga pa lang ay nagtatalo na ang mag-amang Panfilo Manrique at Geraldin kasama ang suspek na si Rio Ballenas tungkol sa resulta ng eleksyon.

Pagsapit daw ng gabi ay nagkaroon ng komosyon sa loob ng bahay.

Ayon sa kaibigan ng mga biktima na si Rex Ronquillo, lumabas so Ballenas ng bahay at inaming napatay niya sina Panfilo at Geraldin.

Agad na nahuli ang suspek na hindi nagbigay ng pahayag. Napag-alamang dati na itong nakulong dahil din sa pagpatay. —KBK, GMA News