Isang babaeng Chinese na biktima ng kidnapping ang nasagip sa Batangas City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Dinukot daw ang biktima ng isang 'di pa nakikilalang dayuhan sa Angeles City, Pampanga, noong September 17.

Nakatakas daw siya sa bahay kung saan siya itinago ng 20 araw kaya siya nakahingi ng tulong sa pulisya.

Kinumpirma ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group na humingi ng $200,000 o katumbas ng mahigit P11 milyon na ransom ang kidnapper. —KBK, GMA News