Isang pambirang Visayan leopard cat ang aksidenteng nahuli at nasagip kalaunan sa Malay, Aklan.

Sa ulat ng Regional TV News nitong Lunes, sinabing kaagad na umaksiyon ang Municipal Environment and Natural Resources Officer ng Malay nang makatanggap sila ng impormasyon na may Visayan leopard cat na aksidenteng na trap sa Barangay Sambiray.

Napag-alaman na endemic o makikita lang sa Panay at Negros ang naturang uri ng pusa na sa nakatira sa kagubatan.

Ayon sa Internation Union for Conservation of Nature, nakatala ang Visayan leopard cat bilang vulnerable at nasa highly extinction sa wild.

Nasa pangangalaga na ng MENRO ang naturang wild cat at muling pakakawalan sa natural nitong tirahan sa sandaling matiyak na maayos ang kaniyang kalusugan.--FRJ, GMA Integrated News