Nasawi ang isang 52-anyos na lalaki matapos siyang pagbabarilin ng mga armadong lalaking pumasok sa loob ng kanilang bahay sa Pozorrubio, Pangasinan.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabi ng pulisya na biglang pumasok ang tatlong lalaki kaya sumigaw ang dalawang anak ng biktima sa kanilang garahe.

Paglabas ng tatay, dito na siya pinagbabaril.

Tinangay din ng mga salarin ang dalawang cellphone bago tumakas.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamilya ng biktima habang gumugulong ang imbestigasyon. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News