Nahuli-cam ng isang motorista ang peligrosong pagmamaneho ng garong ng isang lalaki sa highway ng Burgos, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, sinabing ice cream umano ang lalaking nagmamaneho ng garong.

Bukod sa mabilis ang takbo, tila nakikipagkarera umano ang garong sa ibang motorsita.

Sa papaliko o kurbadang bahagi ng kalsada, makikita na itinaas pa ng lalaki ang isa niyang paa at kamay habang mabilis ang andar.

Wala umanong pulis sa lugar kaya hindi nasita ang lalaki.

Hinikayat naman ang publiko na i-report sa awtoridad kung may makitang katulad nito sa kalsada dahil maaari itong magdulot ng disgrasya sa kaniyang sarili at ibang tao. -- FRJ, GMA Integrated News