May ilan na gustong shortcut o madali ang pagpapayat nang hindi napapagod. Sa tulong ng siyensiya, maaari naman itong mangyari sa pamamagitan ng liposuction na mayroon nang dalawang uri. Ngunit gaano nga ba kaligtas ang mga proseso na ito?

Sa programang "Pinoy MD," sinabing ang "invasive liposuction" ay isang "major surgery" na ginagamitan ng suction cannulas o maninipis na tubo, na dinadaanan ng hihiguping taba sa pamamagitan ng mga incision.

Ngunit kung ayaw naman ng ganitong operasyon, mayroon namang liposuction na ginagamitan ng high-intensity force ultrasound technology para tunawin daw ang taba.

Gayunman, may ilang paalala sa mga nagpaplanong sumailalim sa mga naturang uri ng liposuction. Alamin sa video na ito.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-Jamil Santos/FRJ, GMA News