Lingid sa kaalaman ng lahat, mayroon ding mga bulaklak na maaaring kainin tulad ng blue pea, impatiens, red clover at Arugula flower, kaya naman puwede na rin itong i-topping sa pizza o isama sa salad.

Sa programang "Pinas Sarap," sinabing kilala ang Sonya's Garden sa Alfonso, Cavite dahil sa kanilang mga putahe na sinasaguhan ng mga "edible flowers."

Halimbawa na lamang ang kanilang monggo na sinahugan ng bulaklak ng Katuray.

Healthy din ang kanilang "flower pizza," dahil bukod sa mga bulaklak ang topping nito, may kasama ring herbs at malunggay ang kanilang dough.

Panoorin kung paano naman binuo nina Kara David at chef Richard Rollo ang flower salad. —Jamil Santos/LBG, GMA News