Marami ang naantig at humanga sa ginawang pagsorpresa ni Captain Genesis sa kaniyang mga magulang, lalo na sa kaniyang ama, nang maging sakay ang mga ito sa eroplano na kaniyang pinapalipad. Pero hindi pala naging madali ang daan para kay Genesis na maging piloto na pinangarap niya mula pa sa kaniyang pagkabata.

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, ibinahagi ni Capt. Genesis ang mga hirap, sakripisyo, at problema na kaniyang pinagdaanan at ng kaniyang pamilya, bago nila makamit ang ginhawa sa buhay ngayon.

Panoorin at kapulutan ng inspirasyon ang kuwento ng kanilang buhay at ang ginawang pagpupursige ni Genesis para makamit ang pinapangarap na maging piloto, sa kabila ng maraming pagsubok.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News