Mas lalo pang lumalawak ang market ng milk tea ngayon dahil ang sikat na "pampalamig," hinahaluan na rin ng alak na tamang-tama para sa mga tatay at mga manginginom.

Sa programang "Reel Time," ikinuwento ng milk tea store owners na sina Ermeleen at Ryan Laurente kung paano nila naisipang pagsamahin ang konsepto ng milk tea at alak.

Bagama't mayroon pa ring tradisyunal na lasa ng milk tea, mararamdaman din ng customer ang "kick" ng alak dahil sa halo nitong gin.

Samantala, pumapatok na rin ang milk tea sundae, na puwedeng kainin bilang isang ice cream at kapag nalusaw ay puwedeng inumin bilang milk tea. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News