Dahil sa sobrang pagkahumaling sa sabong ni Butch, nabaon sa siya sa utang na umabot sa mahigit P2 milyon. Kuwento niya sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," nagsimula ang pagkahilig niya sa manok at sabong noong bata siya nang dahil sa kaniyang ama.

Sa kaniyang kabataan, sinabi ni Butch na lumiliban pa siya noon sa klase para lang manood ng sabong. At nang lumaki, lalo pang tumindi ang pagkahilig niya sa naturang "libangan" lalo na nang makatikim siya ng panalo.

Upang mailayo ang atensyon niya sabong, sinubukan niyang mag-OFW pero hindi rin siya nakalayo dahil may patagong sabong din ang lugar na kaniyang napuntahan. 

Bukod sa nagpatuloy siya sa pagsusugal, nabaon na siya sa utang kaya muli siyang bumalik sa Pilipinas.

Tanggap naman ni Butch sa sarili ang masamang dulot ng sabong pero kaya pa kaya niyang magbago? Tunghayan sa video na ito ng "KMJS" ang kaniyang kuwento at isinagawang pagkonsulta niya sa isang eksperto. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News