Isang binatilyo na nagtatrabaho noon bilang karpintero ang kinupkop, ginawang saktristan at pinag-aral ng "kabalyerong" pari sa Itogon, Benguet.

Kuwento ng 14-anyos na si Jhon Rhiz Laguilles sa programang "Front Row," 10-taong-gulang lang siya noon nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Kaya sa murang edad, natuto na siyang kumayod para sa pamilya.

Nang makilala niya si Father Rolly Buasen, hinimok siyang maging sakristan at mag-aral, bagay na kaniyang tinanggap.

Ayon kay Jhon Rhiz, pangarap niyang maging pulis paglaki bagaman nasa isip din niya ang pagpapari.

Pero sa ngayon, gusto raw niyang tapusin ang pag-aaral upang maging pulis at nang makatulong siya sa lipunan.

Alamin ang kuwento ng kaniyang buhay sa video na ito ng "Front Row."


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos, GMA News