Bata pa lang umano si Jay Costura ay may mga nilalang na siyang nakikita na hindi nakikita ng iba. At sa kaniyang panaginip, lumilitaw ang mga pangitain tulad ng posibleng mangyayari sa isang tao, magaganap na trahediya at kalamidad. Dahilan para binansagan siyang "Nostradamus" ng social media.

Paano nga ba nakuha ni Jay ang kaniyang kakaibang talento at makatutulong din kaya siya sa paglutan ng isang karumal-dumal na krimen na nangyari umano sa Laguna kung saan isang babaeng nursing student ang pinaslang. Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."



Click here for more GMA Public Affairs videos:


--FRJ, GMA News