Isinilang si Jennifer Pulga na walang braso at may diperensiya sa mukha. Dahil sa hindi maipaliwanag na kalagayan niya noong sanggol siya, marami ang nagsasabi na hindi magtatagal ang kaniyang buhay. Pero ngayon, 29 na taong gulang na si Jennifer at patuloy na hinaharap ang mga pagsubok sa buhay.

Alamin ang kuwento ng buhay ni Jennifer sa video na ito ng programang "Front Row."

At sa kabila ng kaniyang hitsura, nananatiling positibo ang kaniyang pananaw na dapat magsilbing inspirasyon sa iba.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News