Kinagiliwan online ang isang-taong-gulang na baby na bininyagan sa Butuan City dahil sa kaniyang pagiging happy sa harap ng pari.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing June 11 nang binyagan ang baby.

Unang napa-'wave' ang baby kay Father. At nang itaas ng pari ang kamay para basbasan ang baby, nagtaas din ng kamay ang baby at sila'y nag-apir o high five.

Napapalakpak pa si baby.

Umabot na umano sa 7 milyon ang views sa Tiktok ng naturang nakaka-good vibes na binyagan. --FRJ, GMA News