Sinermunan ng isang tatlong taong gulang na babae ang kaniyang ama sa video call nang malamang nasa inuman na naman ito sa Bauan, Batangas.

Sa ulat ng “Unang Balita” nitong Biyernes, mapapanood ang video ni Driana Heaven Ilagan, na mainit ang ulo at todo-sermon sa kaniyang amang si Mark Ilagan.

Ayon sa kaniyang ina, natural kay Driana ang pagiging madaldal kahit noong isang taong gulang pa lamang ito.

Nagagalit talaga ang bata sa tuwing nalalamang umiinom ng alak ang kaniyang amang si Mark. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News