Diretsahang sinagot ni Paolo Contis ang mga alegasyong hindi siya nagbibigay ng sustento sa mga anak niya.

Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, isang emosyonal na Paolo ang naglahad na nagtatabi siya para sa kaniyang mga anak at plano niya itong ibigay sa takdang panahon.

"Doon sa sustento issue, I don't give, I have my reasons why, but I'm saving for them," ayon sa aktor.

"I have some savings for them that hopefully one day I could give them straight. As I've said, I have my reasons, but kung ano pa, anong point? I don't want to argue anymore, ayoko na siyang lumaki. It's a mistake na nasimulan ko ever since na hindi ako nakapagbigay," patuloy ni Paolo.

Tinukoy ni Paolo ang mga anak niya kay Lian Paz na sina Xonia at Xalene, at si Summer, na anak niya kay LJ Reyes.

"But ever since nagtrabaho ako nang maayos, unti-unti akong naglalagay ng account para kay  Xonia, Xalene, pati kay Summer. Eventually I want to give it to them straight," dagdag niya.

Halos apat na taong nagsama sina Lian at Paolo, nang mapabalita ang kanilang paghihiwalay noong 2012

Samantala, Agosto 2021 naman nang kumpirmahin ni LJ na hindi na sila nagsasama ni Paolo matapos ang anim na taon na relasyon. --FRJ, GMA Integrated News