Nagulat ang ilang motorista nang makita nilang may kabayong kasabay nilang umaarangkada sa North Luzon Expressway (NLEX).

Sa ulat ng GMA New "24 Oras Weekend" nitong Linggo, sinabing namataan ang kabayo sa bahagi ng Barangay San Felipe sa San Fernando, Pampanga.

Ayon video uploader na si Nicomedes Halili, nitong Biyernes ng gabi nila nakita ang kabayo malapit sa San Fernando Toll Gate.

Hinihinala niya na nakatalon ang kabayo mula sa isang carrier na hila ng sasakyan.

Ayon sa NLEX Corp., ligtas na nakuha ang kabayo na dinala sa Barangay Sta. Monica sa San Simon, Pampanga. Iniulat ng may-ari ng kabayo sa San Fernando Customer Service Center ang nawawala niyang alaga.

“According to the owner’s statement, the cold had escaped from its stable located at the NLEX underpass… in Barangay San Felipe, San Fernando, Pampanga,” paliwanag nito bilang tugon sa tanong sa social media. — FRJ, GMA Integrated News