Isang buhay na ipis ang nakita ng duktor nang silipin ang loob ng tenga ng isang lalaki sa Shanghai, China.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing nagpatingin sa duktor ang lalaki nang maramdaman niya na may masakit sa kaniyang kaliwang tenga.

Nang silipin ng duktor gamit ang camera ang tenga ng lalaki, doon na nakita ang buhay na ipis.

BASAHIN: Buhay na garapata, nakuha sa loob ng tenga ng 2-anyos na bata

Buo naman na nakuha ng duktor ang buhay na ipis na pumapalag-palag pa gamit ang tiyani.

Hinala ng pasyente, nakapasok ang ipis sa kaniyang tenga habang natutulog siya.

BASAHIN: Buhay na ipis, nakuha mula sa loob ng tainga ng isang babae

Maging sa Pilipinas, may mga naiulat na rin na insidente na nakapasok sa tenga ang ipis, pati na ang garapa. -- FRJ, GMA Integrated News