Bumuluga sa mga naglilinis ng lumang balon sa isang dating kumbento ng Santa Monica Church sa Sarrat, Ilocos Norte ang libu-libong pisong halaga ng barya.

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Miyerkoles, sinabi ng parish priest na si Reverend Father Joey Ranjo, na itinayo ang nasabing balon noon pang 1831.

Ipinalinis daw ang balon kamakailan matapos silang maubusan ng tubig na ginagamit na pandilig sa halaman.

Pero laking gulat daw nila na imbes na putik ay aabot sa P10,000 halaga ng barya ang nakuha nila.

Hinala nila na maaaring ginawang wishing well ng mga turista ang balon.

Ibinigay naman daw ang pera bilang aguinaldo sa tatlong lalaking naglinis ng balon.-- Joviland Rita/FRJ, GMA News