Mabuti na ang lagay ng kuting na nasagip ng magsasaka sa Turkey na halos mamatay na sa lamig. Ang pampalakas sa kuting, sariwang gatas ng baka.

Sa ulat ng GMA News "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing muntikan nang mamatay ang kuting sa sobrang lamig kung hindi siya nakita ng magsasaka na kumupkop sa kaniya.

Sa isang video, makikita ang kuting na masigla na habang sinasalo sa kaniyang bibig ang sariwang gatas ng baka.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News