Against all odds ang kwento ng isang doktor na kumuha ng Physician's Licensure Examination — habang nagli-labor!

Ayon kay Dr. Eunice Sibuyan, dinugo siya at nakaramdam ng pananakit ng puson bago ang huling dalawang araw ng board exams.

Binigyan siya ng mga gamot para sa paghilab ng kaniyang tiyan. Pero sa huling araw ng exams, pumutok ang kanyang panubigan.

Wala raw siyang pinagsabihan dahil baka itakbo na siya sa hospital. Ang ending: nag-labor siya habang nag-e-exam!

Pagkatapos nito, napaanak na siya sa ospital mismo ng testing site.

Ang mas nakakatuwa sa kwento, tatlong araw matapos niyang manganak, nalaman niyang pumasa siya sa exam! —JST, GMA News