Naging agaw-pansin ang isang tila kamay na kamukha sa kamay ng Sacred Heart of Jesus, na nahagip sa cellphone camera sa Panglao, Bohol. May mensahe nga kayang nais ipahiwatig sa mga tao ang larawan?

Ayon sa bata na kumuha ng larawan, hindi niya inedit ang larawan dahil hindi siya marunong. Ang ilang residente lugar, naniniwala na kamay ng Sacred Heart of Jesus ang nasa larawan, at gumanda raw ang negosyo sa lugar kung saan ito nakunan.

Pero ang isang photographer at dalubhasa sa image technology, may paliwanag kung ano ang nangyari sa litrato. Alamin kung may himala nga bang naganap sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News