Kinagiliwan ng netizens ang pakuwelang video ng isang botante na nag-ala reporter at nagbibigay ng ulat gamit ang nakatuping payong bilang kaniyang mikropono.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Martes, nakilala ang lalaki na si Nery Tan Caspe, na kunwaring kabatuhan pa sa kaniyang "election coverage" ang Kapuso news anchor na si Mel Tiangco.

Napag-alaman na journalism student sa Cavite State University si Nery at fan daw talaga siya ng mga Kapuso reporter. --FRJ, GMA News