Mula nang isilang, napansin na raw kaagad ng mga magulang isang sanggol sa Abulug, Cagayan Valley ang tila buntot sa puwetan ng bata. At nang lumipas pa ang mga araw, humaba na ito nang hanggang apat na pulgada.

Ngayon,  pitong buwang gulang na si baby Ramram at lumalaki namang normal maliban sa "buntot" niya na itinuturing ng iba na suwerte.

May mga naghihinala na baka may kaugnayan sa buntot ni Ramram ang pagkakahilig ng ama nito sa buntot ng aso nang ipinagbubuntis siya ng kaniyang ina.

Ang iba naman, naniniwalang suwerte ang buntot ni Ramram dahil gumagaling ang kanilang karamdaman kapag ipinagdadasal nila ang bata.

Pero ano nga ba ang nangyari kay Ramram at nagkaroon siya ng "buntot" na pambihira daw na nangyayari sa mga bata. Maaari kaya itong tanggalin? Alamin ang paliwanag ng duktor sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA news