Hindi na nakapagbalita nang maayos, naging laman pa ng balita ang isang reporter matapos siyang hindi lubayan ng isang baboy sa Athens, Greece.

Sa ulat ng Reuters, magrereport sana nang "live" si Lazos Mantikos mula sa Kineta tungkol sa pinsala ng pagbaha sa lugar. Pero hindi siya makaporma nang lapitan siya at hindi tantanan ng isang babaeng baboy.

May pagkakataon pa na tila kinakagat siya ng baboy na buong araw na raw na humahabol sa kanila.

Hindi naman napigilan ng mga anchor sa studio ng kaniyang network na matawa sa kakaibang pangyayari sa kanilang reporter.--Reuters/FRJ, GMA News