Kakaibang sitwasyon ang nirespondehan ng isang our off duty na bumbero sa
Australia nang may madinig siyang mga bata na humihingi ng saklolo para sagipin ang maliit na "nilalang" na nahulog sa swimming pool—isang butiki o dragon lizard.

Wala nang malay ang kawawang butiki nang dumating ang bumbero na kaagad nagsagawa ng CPR o o cardio-pulmonary resuscitation.

Nahulog umano ang butiki sa aparatong panglinis ng pool. Mabuti na lang at may mga batang nakakita sa kaniya na tumawag ng saklolo.

Sa Facebook post ng Fire and Rescue NSW Station 037 Gordon, sinabing nagsagawa ng CPR ang bumbero nang masuri nitong hindi gumagalaw ang butiki.

Maingat na pinindot ng bumbero ang dibdib ng butiki nang ilang ulit hanggang sa mapansin nila na unti-unti itong gumalaw at tumayo pagkaraan ng ilang minuto.

"Then miraculously “Lucky” the lizard started to breath on his own. He was quickly rolled back onto his stomach and within half an hour with a little sunshine was back to chasing insects," ayon sa post.

"It also serves as a timely reminder to know your CPR action plan in and around the water as we head towards the end of summer. Another great save by the Gordon crew," dagdag nito. --FRJ, GMA News