Nagulantang ang mga pasyente ng isang state-run maternity hospital sa Karnataka, India matapos na may pumasok na isang unggoy nagpalipat-lipat ng puwesto.

Sa GMA News Feed, makikita sa isang video na sumampa pa sa isang kama ang unggoy bago ito tuluyang lumabas ng ward.

Hinabol ng hospital staff ang naturang hayop sa hallway.

Bago nito, maraming pasyente na ang nangangamba sa paglusot at pagpasok ng mga unggoy sa ospital.

Marami na rin ang nagrereklamo at nanawagan ng aksyon mula sa ospital.

Wala namang napaulat na nasaktan sa insidente.

Madalas nang problema ang mga unggoy na nakakapunta sa mga lungsod sa India para maghanap ng pagkain.--FRJ, GMA News